Recent Posts

Breaking News

Mga private school pwede magsimula ng klase bago ang Oktubre

Pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) ang pagsisimula ng pasukan ng mga pribadong paaralan bago ang Oktubre 5 basta susunod sa ilang kondisyon.

Dapat ay walang mangyayaring face-to-face class at puro distance learning lang, o ang pag-aaral sa pamamagitan ng printed at digital module, online class, telebisyon, at/o radyo.

“DepEd hereby clarifies that such private or non-DepEd schools that have already started their classes, or are scheduled to start classes on August 24 or on other dates ahead of October 5, are allowed to proceed provided they are strictly using only distance learning modalities and that there are no face-to-face classes,” sabi ng DepEd sa isang statement.

“These schools shall submit the relevant documents to the Regional Director as required by DepEd Order No. 7, s. 2020 (School Calendar and Activities for School Year 2020-2021) as well as DepEd Order No. 13, s. 2020 and DepEd Order No. 17, s. 2020 on readiness assessment,” dagdag nito.

Matatandaang alinsunod sa payo ng ilang mambabatas, inusog ng DepEd mula Agosto 24 patungong Oktubre 5 ang pagbubukas ng mga klase sa School Year 2020-2021.

Aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pag-urong ng class opening.

Sa huling datos ng DepEd, Agosto 14, may 23.2 milyong mag-aaral na ang nag-enroll parehong sa mga pampubliko at pribadong eskuwela sa bansa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-private-school-pwede-magsimula-ng-klase-bago-ang-oktubre/)

Walang komento