Recent Posts

Breaking News

Mga private hospital, luging-lugi na sa COVID-19

Bagsak ang kita ng mga pribadong ospital dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa pinakamalaking grupo ng mga private hospital sa Pilipinas na Metro Pacific Hospital Holdings, Inc., bumulusok sa 93 porsiyento o P46 million ang nawalang kita sa kanila sa unang bahagi ng 2020.

Ito raw ay dahil sa umiiwas na ang mga taong magtungo sa mga ospital para magpagamot o magpa-check up sa takot na madapuan ng virus.

Bumaba sa 35 porsiyento o 61,293 ang bilang ng patient admission ng Metro Pacific habang 30 porsiyento o 1.329 milyon ang outpatient nila.

Kabilang na rin daw sa nagpababa sa kita ng Metro Pacific ang mataas na gastusin nila sa mga tauhan, medical supply gaya ng personal protective equipment at pagdagdag ng COVID-19 bed capacity ng 30 percent upang makasunod sa panawagan ng gobyerno sa mga health sector na magpalakas ng kapasidad para sa mga COVID case.

“The healthcare sector is at the epicenter of this COVID-19 crisis and we continue to face challenges with the increase in reported cases,” saad ng Metro Pacific.

Kabilang sa mga ospital na pag-aari ng Metro Pacific ang Makati Medical Center, Cardinal Medical Center sa San Juan, Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa, Delos Santos Medical Center sa Quezon City, Manila Doctors Hospital sa Ermita at Davao Doctors Hospital.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-private-hospital-luging-lugi-na-sa-covid-19/)

Walang komento