Recent Posts

Breaking News

Mga Pinoy pinagdadasal ng 10 ‘Hail Mary’ kada araw

Nanawagan ang mga obispo sa mga Pilipino na magdasal kada araw ng sampung “Hail Mary” para sa paggaling ng bansa sa coronavirus pandemic.

Hinikayat nilang magdasal nito ang mga Katoliko kada 12:00 ng tanghali.

Magsisimula ang nationwide campaign para rito sa Agosto 15 kasabay ng kapistahan ng Assumption of Mary, na magtatapos sa September 15, ang kapistahan naman ng Our Lady of Sorrows.

“We also invite all to a collective prayer action to lift the lockdowns and help heal the nation. God always listens and nothing is impossible with Him,” saad ng mga obispo sa isang pastoral letter na nilabas nitong Miyerkoles.

Sinulat ito nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at San Jose de Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, at inendorso ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines acting president Caloocan Bishop Virgilio David.

Sa ngayon ay tumuntong na sa 143,749 ang COVID-19 case sa bansa, 2,404 ang pumanaw habang 68,997 ang nakarekober.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pinoy-pinagdadasal-ng-10-hail-mary-kada-araw/)

Walang komento