Recent Posts

Breaking News

Mga PhilHealth official ipapasilip bank account

Handang ipakita ng ilang top official ng PhilHealth ang laman ng kanilang mga bank account para mapatunayang hindi sangkot sa korapsyon sa ahensya.

Ito’y ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo bilang tugon sa kagustuhan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na masilip ang mga account ng kanilang mga opisyal.

“Nag-sign kami ng waiver kahapon. Most of the ExeCom members,” saad ni Domingo sa dzBB. “Isa ako doon sa nag-sign eh.”

Sa naging pagdinig sa Kongreso, pumayag ang ilang PhilHealth top official na sina Jovita Aragona, Renato Limsiaco Jr., Israel Pargas at Nerissa Santiago sa hamon ni Deputy Speaker LRay Villafuerte na pumirma ng bank secrecy waiver para makita ang kanilang mga bank transaction.

Ilan pa sa mga pumayag sa imbestigasyon ng AMLC ay sina PhilHealth VP Oscar Abadu, Shirley Domingo, at Gilda Diaz; Visayas vice president Walter Bacareza, at corporate secretary Jonathan Mangaoang.

Hindi pa naman batid ni Domingo kung maging si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales ay nakapirma na sa bank secrecy waiver.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-philhealth-official-ipapasilip-bank-account/)

Walang komento