Recent Posts

Breaking News

Mga PhilHealth execom member magbabakasyon din

Maghahain na rin ng leave of absence ang mga miyembro ng Executive Committee (Execom) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) habang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

Inihayag ito ni PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo sa panayam sa Teleradyo nitong Lunes ng umaga nang matanong kung may iba pang mas matataas na opisyal ng ahensya ang maghahain ng leave of absence bukod sa anim na regional vice president.

Ayon kay Domingo, sa kanyang pagkakaalam ay maghahain ng leave of absence ang mga miyembro ng Execom.

“Execom members will also file their leave. They agreed also to file their leave,” sabi ni Domingo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-philhealth-execom-member-magbabakasyon-din/)

Walang komento