Recent Posts

Breaking News

Mga doktor sa SoKor nag-aklas sa pandemya

Dahil hindi nagugustuhan ang aksyon ng gobyerno para sa plano sa mga health worker, nagsagawa ng strike ang mga trainee doctor sa South Korea sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ito’y matapos na ilantad ng South Korean government ang kanilang plano na taasan ang kanilang quota para sa bilang ng mga estudyante sa medical school/

Ilan sa mga intern, at mga third at fourth year resident ang nag-walk out sa kani-kanilang ospital para sa protesta.

Nakiusap naman ang gobyerno na bumalik na sa trabaho ang mga doktor dahil makakaapekto ito sa laban ng naturang bansa sa pandemya.

Nadagdagan ng 397 kaso ng COVID-19 ang South Korea nitong Linggo, pinakamarami sa nakalipas na lumang buwan.

The post Mga doktor sa SoKor nag-aklas sa pandemya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-doktor-sa-sokor-nag-aklas-sa-pandemya/)

Walang komento