Recent Posts

Breaking News

Mga Catholic school: Sakop ng Oct 5 balik klase linawin

Hiniling ng isang asosasyon ng mga Catholic school sa bansa na maglabas ng clarificatory order ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng bagong memorandum na nagtatakda ng pagbubukas klase sa October 5 para sa Academic Year 2020-2021.

Sa kanyang liham kay Education Secretary Leonor Briones na may petsang August 14, inihayag ni Fr. Elmer Dizon, presidente ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), ang kanilang reaksyon sa pagbabago ng schedule sa balik klase.

Naka-post ito sa Facebook page ng CEAP. Sumulat si Dizon kay Briones para sa 500 Catholic school na miyembro ng CEAP.

“May we request that a clarificatory order issued by the Office be made to this Memorandum dated August 14, 2020 that this specifically apply to the public schools?” ayon kay Dizon.

Aniya, nasorpresa sila sa bagong memorandum kung saan inatras ang petsa ng balik klase sa October 5 dahil ilang araw pa lamang ang nakaraan ay nakipagpulong pa ang ilang opisyal ng DepEd sa mga member association ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) kung saan kasapi rin ang CEAP.

Sa nasabing pulong aniya nagkaroon ng konsultasyon hinggil sa panukalang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa batas na nag-amyenda sa Republic Act No. 7797 (An Act To Lengthen The School Calendar From Two Hundred (200) Days To Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days.

Hindi naman aniya binanggit sa nasabing pulong na magkakaroon ng pagbabago sa petsa ng balik klase.

Sabi ni Dizon, sa ngayon ay nakapagsumite sa DepEd lahat ng kanilang member school ng Learning Continuity Plans, Health Safety Protocols at School Calendar bilang pagtalima sa nauna nang direktiba ng kagawaran na simulant ang klase sa nirekomendang petsa na itinakda sa ilalim ng RA 7797.

Kapag ipinagpaliban pa ng an
im na linggo ang pagbubukas ng klase ay mangangahulugan ito ng karagdagang lugi sa kanilang mga eskuwelahan lalo pa at kakaunti ngayon ang enrollment sa kanila.

“In truth, since the time quarantine measures were put in place by the government because of COVID-19, we have been regularly receiving reports of our member schools closing due to very low enrollment, and owing to the financial difficulties they are facing,” ayon kay Dizon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-catholic-school-sakop-ng-oct-5-balik-klase-linawin/)

Walang komento