Recent Posts

Breaking News

Metta World Peace hindi luluhod sa BLM

Suportado ni former NBA player Metta World Peace ang ‘Black Lives Matter’ movement, pero hindi siya luluhod para sundin ang kapwa niya supporters.

Ang pagluhod kasi habang kinakanta ang pambansang awit ay simbulo ng pagbibigay respeto sa bumulwak na BLM movement bilang suporta sa kinitil na si George Floyd.

Bagama’t respetado nito ang pananaw ng iba, para kay Metta World Peace o mas kilala sa dating Ron Artes, hindi aniya akma ito dahil ang pagluluhod ay parang pagsuko na rin ng buong sarili sa kalaban.

Di man mapilit o makumbinsing maniklop-tuhod ang 40-year-old small forward, hindi maitatangging suportado niya ang BLM dahil kabilang rin iya sa mga nagprotesta sa pagkamatay ni Floyd



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metta-world-peace-hindi-luluhod-sa-blm/)

Walang komento