Recent Posts

Breaking News

Metro Manila may unified curfew na – IATF spox

Mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ang unified curfew sa Metro Manila.

Sabi ito sa CNN Philippines ni Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases spokesperson Harry Roque ngayong Miyerkoles.

Ngayong araw, Agosto 19, epektibo na ang pagluluwag ng quarantine status sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Mula modified lockdown ay sinailalim na ang mga lugar na ito patungong general community quarantine (GCQ) kung saan pwede na ang mass transport.

Mananatili ang quarantine status hanggang Agosto 31, 2020.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metro-manila-may-unified-curfew-na-iatf-spox/)

Walang komento