Recent Posts

Breaking News

Mensahe sa bayan ni Duterte eere mamaya

Ang regular na mensahe sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mapanonood ngayong Martes ng umaga.

Sabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio, ang public address ng Pangulo ay eere nang alas-nuwebe ng umaga, Agosto 25, sa People’s Television Network.

Inaasahang magre-report ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Duterte sa mga ginagawang aksiyon laban sa COVID -19 at ilalatag ang kanilang mga rekomendasyon para mas mapaigting ang pagtugon sa naturang health crisis.

Hindi naman binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung sinu-sinong miyembro ng IATF ang kasama sa pulong ng Pangulo sa Davao City.

The post Mensahe sa bayan ni Duterte eere mamaya first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mensahe-sa-bayan-ni-duterte-eere-mamaya/)

Walang komento