Recent Posts

Breaking News

Maynila mamumudmod ng laptop, tablet sa mga guro, estudyante

Sa susunod na linggo, mamamahagi na ang Manila government ng mga tablet at laptop para sa mga guro at mag-aaral sa lungsod.

Kasama rin daw sa ipamamahagi ang pocket Wi-Fi para sa mga guro at sim card na mayroong 10 GB data allocation para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan.

“Ito ay matapos pumirma ng isang Memorandum of Agreement si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama si Cherry Chief Executive Officer Maynard Ngu ngayong Lunes, ika-17 ng Agosto,” ayon sa Facebook post ng Manila public information office, Agosto 17.

Matatandaang noong Hunyo, naglaan ng P994 milyon ang pamunuan ng Maynila para sa pagbili ng mga nasabing kagamitan para sa distance learning.

Nasa 10,000 teacher aniya ang makikinabang sa laptop at pocket Wi-Fi, sabi pa noon ng alkalde.

Samantala, tiniyak ni Moreno sa mga magulang na magagamit lang para sa pag-aaral ang kanilang ibibigay na kagamitan sa mga estudyante.

“Particular websites will be blocked, iyong connection po ay dedicated sa Google, classroom requirements at curriculum ng Department of Education,” aniya pa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maynila-mamumudmod-ng-laptop-tablet-sa-mga-guro-estudyante/)

Walang komento