Recent Posts

Breaking News

May pakana ng Jolo twin bombing tinutugis ng mga nasawing sundalo

Ang dalawang babaeng suicide bomber na sanhi ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu ang siyang minamatyagan noon ng apat na sundalo na binaril ng mga pulis noong Hunyo.

Sakay ng SUV, tinutugis nina Army intelligence officers Maj. Marvin Indammog, Capt. Irwin Managuelod, Sgt. Jaime Velasco, at Cpl. Abdal Asula ang eksaktong lokasyon ni Abu Sayyaf bomb maker Mundi Sawaadjan at 2 pang babaeng bomber nang pahintuin sila sa isang police checkpoint, Hunyo 29.

Nang sabihin nina Indammog na Army officer sila, pinapunta sila ng mga pulis sa Jolo polict station.

Malapit sa istasyon na pinagbabaril ng mga pulis ang mga sundalo.

Agosto 24, dumagundong ang mga pagsabog sa Jolo, Sulu.

Kinumpirma ni Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sa ulat ng Manila Bulletin, na ang suspek sa mga pagsabog ay ang tinutugis ng mga yumao nang sundalo.

Dahil sa twin explosions, namatay ang hindi bababa sa 15 katao: pitong sundalo, anim na sibilyan, isang pulis, at ang “suicide bomber”.

75 iba pa naman ang nasugatan.

The post May pakana ng Jolo twin bombing tinutugis ng mga nasawing sundalo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/may-pakana-ng-jolo-twin-bombing-tinutugis-ng-mga-nasawing-sundalo/)

Walang komento