Recent Posts

Breaking News

Matapos sabihan ni Duterte: PhilHealth’s Morales magre-resign na

Ihahain na ni PhilHealth president and CEO Ricardo Morales ang kanyang resignation ngayong araw.

Ito’y matapos mapaulat na pinagbibitiw na siya sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sinaalang-alang ng huli ang kalusugan ng nauna.

“Ngayong umaga I have to file it so that merong hard copy,” ani Morales sa isang radio interview.

“Alam mo naman byurokrasya tayo eh,” aniya pa.

Sabi ng ulo ng PhilHealth, magbibigay siya ng hard copy ng kanyang resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea ngayong Miyerkoles ng umaga.

Si Morales ay nag-leave of absence sa kanyang tungkulin matapos ianunsyo na siya’y sumasailalim sa chemotherapy dahil sa lymphoma, isang tipo ng cancer.

Hindi na rin ito nakadadalo sa pagdinig ng Senado at Kongreso ukol sa umano’y korapsyon sa PhilHealth bilang pagsunod sa abiso ng kanyang doktor.

The post Matapos sabihan ni Duterte: PhilHealth's Morales magre-resign na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matapos-sabihan-ni-duterte-philhealths-morales-magre-resign-na/)

Walang komento