Recent Posts

Breaking News

Masbate town wala nang pondo para sa mga biktima ng lindol

Dahil nilaan ang badyet sa COVID-19 crisis, nananawagan ngayon ang Cataingan, Masbate sa pambansang gobyerno para matulungan ang mga biktima ng malakas na lindol kamakailan.

“Kung maaari sana ‘yung panawagan ko sa national government, sana tulungan kami kasi ang pondo namin sa calamity, halos naubos na sa COVID,” sabi sa GMA News’ Unang Balita ni Cataingan Mayor Felipe CabataƱa, Martes.

“Hindi naman kami mag-aasa na may lindol na darating kaya hindi namin nalagyan ng allocation ‘yung ganitong klaseng kalamidad, kaya medyo nahihirapan ang tao,” aniya pa.

Martes, tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa nasabing bayan.

Bukod sa mga gumuhong gusali, namatay ang retiradong pulis na si Gilbert Sauro matapos ang pagyanig.

Higit 20 katao naman ang sugatan ayon sa awtoridad.

Lahad ni CabataƱa, ayaw pumasok ng mga residente sa mga bahay nila gayong nakararanas sila ng aftershock kada dalawa o tatlong oras.

“Takot na takot na talaga sa lindol kasi ‘yung lindol ang pinakamalakas na lindol na nangyari dito sa amin,” saad niya pa.

Hindi na rin aniya napapanatili ang social distancing sa mga evacuation center “kasi maliit ‘yung lugar” at “ang evacuation center, maraming tao”.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/masbate-town-wala-nang-pondo-para-sa-mga-biktima-ng-lindol2/)

Walang komento