Recent Posts

Breaking News

Masbate niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

Ngayong umaga, inuga ang Masbate at mga karatig-lugar nito ng magnitude 6.5 na lindol.

Ayon sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang tectonic earthquake alas-8:03 ng umaga, Agosto 18, sa 5 kilometro southwest ng bayan ng Cataingan.

Mayroong lalim ang nasabing lindol na isang kilometro.

Dahil dito’y naramdaman ang:
– Intensity IV sa Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi, Albay; Lezo, Aklan
– Intensity III sa City of Iloilo
– Intensity I sa President Roxas, Capiz

Inaasahang magdudulot ng pinsala at mga aftershock ang pagyanig, ayon sa Phivolcs.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/masbate-niyanig-ng-magnitude-6-5-na-lindol/)

Walang komento