Recent Posts

Breaking News

Martial law sa Sulu ibalik – Army chief

Nirerekomenda ni Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na ibalik ang batas militar sa lalawigan ng Sulu, kasunod ng twin bombing doon kahapon.

“Kung natatandaan natin noong dineklara ng ating Pangulo ‘yung martial law ay behaved ‘yung mga tao. Kaya lang noong una, nagkaroon ng kaunting negative reaction due to the stigma brought about by the 1970s martial law, but this time, nitong nakaraang martial law, talagang sila na mismo ang nag-request na kung maari ma-extend pa,” sabi ng sundalo sa isang radio interview, Lunes.

“So siguro it’s high time na ibalik po natin, if I may respectfully recommend to our President, through our chief of staff and Secretary of National Defense, na kung maibalik o maideklara muli na martial law doon sa lugar dahil sa ito, doon sa probinsiya ng Sulu dahil sa recent bombing incident na nangyari,” aniya pa.

Ginawa ni Sobejana ang mungkahi sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law na tinutuligsa ng maraming abogado, human rights groups, at iba pang sektor ng lipunan.

Nagwakas ang martial law sa Mindanao noong Disyembre 31, 2019 o higit 2 taon mula nang ideklara ni Presidente Rodrigo Duterte dahil sa Marawi siege noong 2017.

Dahil sa twin explosions nitong Agosto 24, 2020, namatay ang hindi bababa sa 15 katao: pitong sundalo, anim na sibilyan, isang pulis, at ang “suicide bomber”.

75 iba pa naman ang nasugatan.

The post Martial law sa Sulu ibalik - Army chief first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/martial-law-sa-sulu-ibalik-army-chief/)

Walang komento