Recent Posts

Breaking News

Martial law sa Sulu hindi kailangan – Hontiveros

Walang nakikitang pangangailangan si Senador Risa Hontiveros para maipatupad ang martial law sa lalawigan ng Sulu kasunod ng nangyaring kambal na pagsabog sa bayan ng Jolo.

“Not at this point. No. I concur with Secretary Lorenzana. I appreciate his position on this. I concur with my fellow senators pati ‘yung aming senate president,”pahayag ni Hontiveros sa ANC.

Ayon kay Hontiveros, ang case build up na dating ginawa ng military laban sa dalawang babaeng suicice bomber na siyang nasa likod ng pagsabog ay patunay na kaya ng security forces na tugusin ang mga pinaghihinaalang mga terorista.

“They were able to intercept calls, track locations, analyze the movements of those suspected terrorists. Kayang-kaya sana sugpuin kung hindi sila pinatay noon,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na naudlot ang pagtugis nila sa dalawang suicide bomber dahil sa pagkamatay ng apat na intelligence officer na pinatay ng mga pulis sa Sulu noong Hunyo 29.

“I-exhaust muna natin lahat ng kapangyarihan na mayroon na at mayroon pa ang gobyerno to address these terrible twin bombings,” ayon pa kay Hontiveros.

Nauna nang inirekoemnda ni Sobejano na magpatupd ng martial law sa Sulu kasunod ng pagsabog. Sinuportahan naman ito ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa.

Hindi naman sinuportahan nina Senate President Vicente Sotto, Sen. Panfilo Lacson at iba pa ang panukala ito lalo na’t epektibo na ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Maging sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Western Mindanao Command chief Maj. Gen. Corleto Vinluan Jr. ay tutol sa rekomendasyong ito.

The post Martial law sa Sulu hindi kailangan - Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/martial-law-sa-sulu-hindi-kailangan-hontiveros/)

Walang komento