Recent Posts

Breaking News

Marcial, Vargas bisita sa PSA Forum

SINA PBA commissioner Willie Marcial at Board chairman Ricky Vargas ng TNT ang bisita sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association Forum ngayong araw, Aug. 25.

Ilalatag ng dalawang top officials ang iba pang detalye sa inaasahang umpisa ng workout ng 12 teams at iba pang usapin sa posibleng restart ng season.

Magsisimula ng 10:30 am ang online Forum na hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR, Smart at Upstream Media bilang webcast partner.

Live na masusundan ang weekly public sports program via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at sa Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

The post Marcial, Vargas bisita sa PSA Forum first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/marcial-vargas-bisita-sa-psa-forum/)

Walang komento