Recent Posts

Breaking News

Manobo leader marahas na pinaslang

Pinagbabaril, ginilitan sa leeg, at dinukot ang mga mata ng isang Manobo tribe leader sa Magpet, North Cotabato na kilalang kontra sa illegal logging.

Natukoy ang biktima na si Merlin Ansabu Celis, 50 anyos.

Napaulat na noong Agosto 23 ng hapon, habang naglalakad ang biktima papunta sa kanyang bukirin sa Barangay Mahongkog ay inatake siya ng apat na hindi kilalang lalaki.

Binaril siya sa likod ng isang suspek, tapos ay ginilitan sa leeg at dinukot ang mata.

Tumakbo ang kanyang babaeng anak para humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Wika ni Bae Leah Aurena-Labrador, provincial executive assistant on Indigenous Peoples sa Cotabato, sinusulong ni Celis ang proteksiyon ng kultura at lupang ninuno ng mga katutubo, sa harap ng nagpapatuloy na illegal logging sa kanilang bayan.

The post Manobo leader marahas na pinaslang first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/manobo-leader-marahas-na-pinaslang/)

Walang komento