Recent Posts

Breaking News

Malaysia binasura pag-angkin ng ‘Pinas sa Sabah

Naglabas ng note verbale ang Malaysia para ipaabot sa Pilipinas ang kanilang pag-reject ng bansa sa pag-angkin sa Sabah.

Ayon sa nilabas na dokumento, sinabin na hindi kinikilala ng Malaysia ang claim ng Pilipinas sa isla ng Sabah, na dating kilala na North Borneo.

Saad pa sa sulat na sinumite ng Permanent Mission of Malaysia to the United Nations, sinama ang naging opinyon ni Judge Ad-hoc Thomas Franck tungkol sa isyu ng teritoryo sa Sabah, kung saan sinaad na walang basehan ang pag-claim dito ng Pilipinas base sa batas.

“Modern international law does not recognize the survival of a right of sovereignty based solely on historic title: not in any event, after an exercise of self-determination conducted in accordance with the requisites of international law, the bona tides of which has received international recognition by the political organs of the United Nations,” lahad ni Franck.

“In light of the above, the Republic of the Philippines’ claim to North Borneo clearly has no basis under international law,” saad pa sa note verbale.

Matatandaan na muling lumutang ang isyu ng sabihin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr na sinabing hindi parte ng Malaysia ang Sabah.

The post Malaysia binasura pag-angkin ng 'Pinas sa Sabah first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/malaysia-binasura-pag-angkin-ng-pinas-sa-sabah/)

Walang komento