Recent Posts

Breaking News

Makeup collection ni Jinkee nilabas na

Available na ang mga pampaganda mula sa makeup line ni Jinkee Pacquiao.

Una itong nabalitaan noong 2019, nang mag-post ang asawa ni fighting Senator Manny Pacquiao ng serye ng mga Instagram story tungkol sa kanyang ilalabas na Jinkee Cosmetics.

Tapos, ngayong Agosto 2020, nakita na sa Shopee ang official store ng makeup collection ni Jinkee. Nagkakahalaga ang mga produkto mula P645 hanggang P745.

Naglabas na rin ng mga larawan at produkto sa IG account ng kompanya. Bukas na rin ang website nito na jinkeecosmetics.com .



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/makeup-collection-ni-jinkee-nilabas-na/)

Walang komento