Recent Posts

Breaking News

Magnitude 4.8 lindol umalog sa Davao del Sur

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao del Sur kaninang madaling-araw.

Sa naunang earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nakasaad na magnitude 5.0 ang lindol. Binaba ito patungong magnitude 4.8.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang tectonic earthquake alas-1:44 ng umaga ngayong Agosto 31, sa 8 kilometro southwest ng munisipalidad ng Kiblawan..

Umabot sa 21 kilometro ang lalim ng naturang pagyanig.

Dahil dito’y naramdaman ang:
– Intensity V sa Kiblawan, Davao del Sur; Malungon, Sarangani
– Intensity IV sa Davao City; Digos City, at Sta. Cruz, Davao del Sur; Tupi, South Cotabato; Island Garden City ng Samal, Davao del Norte
– Intensity III sa Koronadal City; Bansalan, at Magsaysay, Davao del Sur; Columbio, Sultan Kudarat
– Intensity II sa Kidapawan City; General Santos City; Antipas, at Makilala, Cotabato

Sabi ng Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala o aftershock ang nasabing lindol.

The post Magnitude 4.8 lindol umalog sa Davao del Sur first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-4-8-lindol-umalog-sa-davao-del-sur/)

Walang komento