Recent Posts

Breaking News

Magna Carta for Seafarers ipasa na – Hontiveros

Tinutulak ni Senadora Risa Hontiveros ang mas marami pang komprehensibong programa at libreng legal assistance sa mga Filipino seafarer na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Hontiveros, deserve ng mga seaman na magkaroon ng mas maayos na proteksiyon sa panahon na naapektuhan ang global maritime industry.

“Malaki na ang naitulong ng hanay marino sa ating bansa, pero ngayong panahon ng krisis, sila ang nangangailangan ng ating malasakit at suporta. Our seafarers deserve better protections as they deal with this difficult moment for the global maritime industry,” pahayag ni Hontiveros sa pagdinig ng Senate labor committee.

Kasabay nito, nanawagan si Hontiveros para agarang pagpasa ng kanyang Senate Bill No. 357, o Magna Carta for Seafarers nang sa gayon ay matulungan ng gobyerno ang mga Filipino maritime worker na labis na naapektuhan ang kabuhayan sa panahon ng pandemua.

Ang tinatawag na “Marino Bill@, ani Hontiveros, ay magbibigay ng komprehensibong package reform hanggang sa legal framework na nagkonkontrol sa maritime labor industry at maprotektahan ang karapatan ang kapakanan ng mga seafarer.

“We have long needed a strong legal framework for Pinoy seafarers that can safeguard their rights and interests wherever they may be,” ani Hontiveros.

“This is especially true during this pandemic, since thousands of our sea-based workers are more vulnerable to illegal termination, decreased or unpaid salaries, unsafe working conditions and other forms of abuses,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, may 49,655 seafarer na ang nawalan ng trabaho o napauwi na sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

“Hindi lang sila ang apektado, kundi pati ang kanilang mga pamilya. We should have a program that is ready to help them get back on their feet at the soonest,” ani Hontiveros.

The post Magna Carta for Seafarers ipasa na - Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magna-carta-for-seafarers-ipasa-na-hontiveros/)

Walang komento