Recent Posts

Breaking News

Magiging ‘very transparent’ kami sa badyet – Cayetano

Magiging “very transparent” umano ang House of Representatives sa mga gagawing pagdinig ukol sa panukalang P4.5-trilyong national budget para sa taong 2021, na sisimulan ngayong linggo.

Pinangako ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano, Sabado.

Sinabihan rin niya ang media na gisahin ang bawat parte ng hinaing pondo.

Bibigyang-prayoridad din umano ang pananaw ng lahat ng mga kasapi ng oposisyon para ang 2021 budget ay hindi lang produkto ng administrasyon.

“We will be very transparent. All the members of the opposition in the House, we will give you first a copy of the budget and listen to you first and give you more time so this budget will be a product of the whole of Congress, the whole of the representations of the Filipino people, not only of the administration,” ani Cayetano.

Susubukan umano ng Kamara na matapos ang kanilang mga pagdinig at maapruba ang badyet sa dulo ng Setyembre.

The post Magiging 'very transparent' kami sa badyet - Cayetano first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magiging-very-transparent-kami-sa-badyet-cayetano/)

Walang komento