Recent Posts

Breaking News

Magalong: Walang VIP treatment, party si Gamboa

Katulad ng iba pang opisyal, tinanggi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagdaos ng party si PNP chief Gen. Archie Gamboa sa lungsod.

Ang nangyari lang aniya, ayon sa isang ulat, ay isang “dinner” kabilang ang ilang bisita sa Chief PNP Cottage sa loob ng Navy base.

Walang buffet, kundi hinain ang pagkain sa kada bisita, ayon sa alkalde na isang retiradong PNP officer.

Naobserbahan din daw ang social distancing sa “hapunan” na natapos bago ang curfew na alas-diyes ng gabi.

Tinanggi rin ni Magalong na binigyan ng VIP treatment sina Gamboa.

Una nang sinabi nina Gamboa at DILG Undersecretary Jonathan Malaya na hindi party kundi dinner ang naganap sa Baguio.

Matatandaang noong Mayo, ginisa ng madla si Metro Manila Police chief Debold Sinas dahil sa birthday celebration nito kahit bawal pa ang mass gathering sa rehiyon.

Depensa noon nina Gamboa at Sinas, hindi party ang naganap kundi isang “maƱanita” o biglaang harana para sa may birthday.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magalong-walang-vip-treatment-party-si-gamboa/)

Walang komento