Recent Posts

Breaking News

Mag-amang doktor patay sa COVID

Kapwa ginupo ng coronavirus disease ang mag-amang doktor sa Florida, United States.

Pinaniniwalaang nahawaan si Dr. Carlos Francisco Vallejo, 57, ng isa niyang pasyente sa isang ospital, ayon sa ulat sa Daily Mail.

Nagresulta ito ng pagkakasakit din ng limang kapamilya ni Dr. Carlos kabilang ang kanyang asawa at amang si Dr. Jorge A. Vallejo, 89.

Si Dr. Carlos ang kadalasang nag-aalaga sa kanyang amang si Dr. Jorge mula nang mabiyudo ito taong 2005.

Residente sila ng Hialeah at sabay na-confine sa magkahiwalay na ospital noong June 27.

Makalipas ang anim na araw ay pumanaw si Dr. Jorge – retiradong obstetrician at gynecologist — sa Palmetto General Hospital.

Binawian naman ng buhay si Dr. Carlos noong August 1 matapos ang 42 araw na pakikipaglaban sa virus sa ICU sa Cleveland Clinic Florida.

Samantala, naka-survive sa virus ang misis ni Dr. Carlos na si Lisette Vallejo, 57, isang psychiatrist.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mag-amang-doktor-patay-sa-covid/)

Walang komento