Recent Posts

Breaking News

Mabulok sana sa kulungan! Ilang PhilHealth exec puro kasinungalingan – Lacson

Nabanas si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa ilang PhilHealth official na ginagawa umanong ‘mushroom’ ang mga mambabatas sa kanilang pagdinig sa korapsyon sa naturang ahensya.

Tweet ni Lacson, puro kasinungalingan lamang ang pinagsasabi sa kanila ng mga ito at halatang may itinatago.

“Some PhilHealth executives who attended our hearings had tried many times to treat us like mushrooms – they wanted us ‘kept in the dark and fed with a lot of shit’,” ayon kay Lacson.

Matatandaan na muntikan nang ma-cite in contempt ng naturang mambabatas ang dalawang opisyal ng PhilHealth sa pag-amin na hindi nila sinasabi ang buong katotohanan sa naging presyo ng network switches.

Sina PhilHealth chief information officer Jovita Aragona at senior ICT officer Calixto Gabuya Jr. ay ginisa ni Lacson dahil nalaman na iba ang bersyon ng switch na nakalagay sa award contract, na mas mura kumpara sa P348,000 nakalagay sa kontrata.

“We gave back what they deserved. Many people hope they rot in jail,” giit pa ni Lacson.

The post Mabulok sana sa kulungan! Ilang PhilHealth exec puro kasinungalingan - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mabulok-sana-sa-kulungan-ilang-philhealth-exec-puro-kasinungalingan-lacson/)

Walang komento