Recent Posts

Breaking News

Lutang sa Makati ‘malinaw ang pag-iisip’

Humanga si Makati City Mayor Abby Binay sa isang residente ng lungsod na nakaisip ng pangmatagalang pagkakakitaan sa panahon ng krisis.

Dahil sa P5,000-ayuda ng lokal na gobyerno para sa 500,000 Makatizen habang may COVID-19 pandemic, nakatanggap si Mario Lutang, 42, at misis na si Veronica ng kabuuang P10,000.

Ginamit nila ito para sa pagtatayo ng fishball cart at pagbili ng mga panindang fishball, street foods, at palamig.

Sa ngayon, ang maliit na negosyo ng mag-asawa ay kumikita nang P500 hanggang P600 araw-araw.

“Kahanga-hanga ang linaw ng pag-iisip ni [Lutang] sa desisyong gamitin ang pera sa pagsisimula ng pang-matagalang ikabubuhay ng pamilya, sa halip na ibili ng mga kagamitang magtatagal lamang ng ilang araw,” wika ng alkalde sa isang press release, Biyernes.

Ang programang MakaTulong P5k ay pinaglaanan ng P2.7-bilyong pondo ng Makati government.

The post Lutang sa Makati 'malinaw ang pag-iisip' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lutang-sa-makati-malinaw-ang-pag-iisip/)

Walang komento