Recent Posts

Breaking News

Lumaban `pag kinakailangan – VP Leni

“Fight, if necessary; do not shrink from struggle or sacrifice. Be kind and be brave.”

Bahagi ito ng mensahe ni Vice President Leni Robredo sa sambayanang Pilipino ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani kung saan nagbigay pugay ang opisyal sa mga nagsakripisyo alang-alang sa ating bansa.

“We honor today the many heroes who struggled, fought, sacrificed for our nation; who spoke truth to power and braved death or persecution; who exhibited courage, and in so doing, helped chart our destiny as a people,” pahayag ni Robredo.

Sa gitna ng kinakaharap na pandemya, hinimok ni Robredo ang sambayanan na lumaban kung kinakailangan at huwag titiklop sa pakikibaka o pagsasakripsyo.

“Love those beyond your immediate circle; expand these circles to go beyond family or friends; care for the community, care for the country. Do this, despite fear and uncertainty. Fight, if necessary; do not shrink from struggle or sacrifice. Be kind and be brave,” ayon kay Robredo.

Pinarangalan din nito ang mga frontliner sa COVID-19 pandemic katulad ng mga medical professional, community leader, government worker, mga nasa uniformed service, mga volunteer at ang mamamayang Pilipino dahil sa kahandaang dumamay sa panahon ng pandemya.

“May the courage of our heroes continue to inspire us, as we once again face difficult times,” ani Robredo.

The post Lumaban `pag kinakailangan – VP Leni first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lumaban-pag-kinakailangan-vp-leni/)

Walang komento