Recent Posts

Breaking News

LPA naging Tropical Depression Dindo na

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) kagabi, ang binabantayan nilang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging tropical depression na.

Naging Tropical Depression Dindo anila ang LPA na nasa silangan ng Cagayan, bandang alas-otso ng gabi nitong Hulyo 31.

Bandang alas-diyes naman ng gabi, namataan si TD Dindo sa 825 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Sa weather bulletin pa ng Pagasa nitong alas-11 ng gabi, Biyernes, ang tropical depression ay may taglay na lakas ng hangin na 45 kilometers per hour, at pagbugso na umaabot sa 55 kph.

Mapanganib anila ang sea travel sa hilaga at kanlurang seaboard sa Luzon.

Samantala, sa isa pang pabatid kahapon ay sinabi ng Pag-asa na magdudulot ang Southwest Monsoon ng pag-ulan sa eastern Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan (kabilang ang Calamian at Cuyo Islands).

Ang nasabing Southwest Monsoon ay dulot ng isa pang tropical depression sa labas naman ng PAR.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpa-naging-tropical-depression-dindo-na/)

Walang komento