Recent Posts

Breaking News

LPA naging Bagyong ‘Julian’ na

Naging tropical depression na nga ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Isabela.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pasado alas-otso ng umaga ngayong Agosto 28, naging Bagyong Julian na ang LPA.

“At 8:00 AM today, the LPA east of Isabela developed into Tropical Depression #JulianPH,” tweet ng PAGASA.

Inaasahang maglalabas ang weather agency ng severe weather bulletin mamayang alas-onse ng umaga.

The post LPA naging Bagyong 'Julian' na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpa-naging-bagyong-julian-na/)

Walang komento