Recent Posts

Breaking News

LPA magpapaulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos

Patuloy na makakaapekto ang low pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo.

Ayon sa 5 AM weather bulletin ng PAGASA, kalat-kalat na pag-ulan at posibleng flash flood o landslide ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at mga lalawigan sa Ilocos.

Magdudulot din ang LPA ng maulap na kalangitan na may posibilidad ng pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa bandang hapon o gabi.

Huling namataan ang LPA 225 kilometro east northeast ng Casiguran, Aurora.

“Maliit pa rin ang tiyansa nitong maging bagyo sa mga susunod na araw,” ayon pa kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario sa isang briefing.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lpa-magpapaulan-sa-cagayan-valley-cordillera-ilocos/)

Walang komento