Recent Posts

Breaking News

Locsin tutol sa jeepney phaseout

Ang panukalang palitan ang mga traditional jeepney ay isang paglapastangan sa historical justice.

Sabi ito ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin nang mabasa niya ang ulat na namamalimos na ang mga tsuper na walang pasada dulot ng mga anti-coronavirus lockdown.

Sa Twitter kagabi, pinunto ni Locsin na dapat bigyang-hustisya ang mga jeepney driver na tagapaghatid ng mga mamamayan–mahirap man o mayaman–sa paaralan, simbahan, o mall man.

Tinawag niya pa itong “most convenient” at pinakamurang paraan ng transportasyon.

“If I want to see justice done it is for the traditional jeepney drivers with the rickety vehicles that took us to school, to Mass, shopping—even those of us not poor,” bigkas ng kalihim, Agosto 16.

“Just the most convenient and cheapest transport; the proposed replacement is a travesty of historical justice,” aniya pa.

Samantala, pinahayag ni Piston President Mody Floranda noong Hulyo na “niraratsada pa rin ng sabwatang Duterte-DOTR-LTFRB ang jeepney phaseout sa gitna ng pandemya para bigyang-daan ang imported at napakamahal na ‘modern’ jeeps bilang kapalit ng tradisyunal na jeep”.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/locsin-tutol-sa-jeepney-phaseout/)

Walang komento