Recent Posts

Breaking News

Locsin pinalagan ni Robredo spox

Ang natatakot para sa Halalan 2022 ay ang mga tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon at hindi ang oposisyon, ayon sa tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo.

Pinabulaanan ni Atty. Barry Gutierrez ang naunang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa isang panayam na nangangamba ang oposisyon para sa susunod na halalan, at ang ginagawa na lang ay hilinging pumanaw na ang isang tao na mistulang si Pangulong Rodrigo Duterte.

“On the contrary, we look forward to the election in 2022. It is this administration’s supporters, with their loud, if lonely, calls for a ‘revolutionary government’ that are clearly terrified of the end of this term,” ani Gutierrez sa isang statement.

“Mr. Locsin’s pontifications on the current situation, like his conspiracy theories, are seriously wanting in credibility,” saad niya pa.

Pinatutungkulan ng VP spokesperson ang panawagan ng mga pro-Duterte group, na kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), na magtatag ang kasalukuyang Pangulo ng revolutionary government (RevGov) para tumungo na ang bansa sa federal government.

Naniniwala ang ilang kritiko ng gobyerno na layon ng RevGov talks na mapalawig ang panunungkulan ni Duterte lampas sa 2022, pero tinanggi ng Palasyo ang naturang alegasyon

The post Locsin pinalagan ni Robredo spox first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/locsin-pinalagan-ni-robredo-spox/)

Walang komento