Recent Posts

Breaking News

Locsin: Pilayan mga Chinese company sa agawan sa WPS

Nais ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na putulin ng Pilipinas ang ugnayan sa mga kompanya na sangkot sa pananakop sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y matapos na ianunsyo ng Amerika na kanilang paparusahan ang abot sa dalawang dosenang Chinese business na umano’y parte ng paggawa ng mga establisimiyento sa mga isla sa pinag-aagawang teritoryo.

“I’m not sure that any of those listed companies are among those that we are directly dealing with…If I find that any of those companies are doing business with us, then I would strongly recommend we terminate that relationship with that company,” giit ni Locsin sa CNN Philippines.

Aniya, anumang kompanya ma makita niyang may kontrata sa Pilipinas ay kaagad niyang ipapaputol ang kontrata, ngunit nagbabala si Locsin na puwedeng makasuhan ang bansa sakaling i-terminate ang mga naturang kontrata.

Matapos katigan ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas sa agawan sa WPS noong 2016, nanatiling matigas ang China at hindi kinilala ang naturang desisyon.

The post Locsin: Pilayan mga Chinese company sa agawan sa WPS first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/locsin-pilayan-mga-chinese-company-sa-agawan-sa-wps/)

Walang komento