Recent Posts

Breaking News

Lillard, Portland haharapin ang Memphis sa ‘play-in’

Sinipa ng Portland ang Phoenix Suns sa pamamagitan ng manipis na 134-133 panalo laban sa Brooklyn Nets Huwebes ng gabi sa seeding game sa Walt Disney World Resort.

Si Damian Lillard muli ang namuno sa Trail Blazers, inayudahan nina CJ McCollum at Jusuf Nurkic.

Sinelyuhan ng Blazers ang 8 seed, sasalang sila sa play-in series kontra 9 Memphis.

Win-once ang Portland sa play-in, kailangang walisin ng Gizzlies ang dalawang laro.

Nagkaroon pa ng tsansa si Caris LeVert na agawin ang panalo para sa Nets pero umalog sa rim bago lumabas ang kanyang step-back jumper sa buzzer.

No. 7 seed sa East ang Brooklyn, katapat ang No. 2 Toronto sa playoffs.

Tumapos si Lillard ng 42 points mula 8 for 14 shooting sa 3-point range at may 12 assists, nagdagdag si McCollum ng 25 at 7. May double-double ding 22 points at 10 rebounds si Nurkic.

Pasabog ng 37 points, 6 rebounds at 9 assists si LeVert.

Perpektong 8-0 sa bubble ang Phoenix pagkatapos tambakan ang Dallas 128-102 nitong Huwebes din, pero hindi umabot sa play-in dahil naungusan ng Memphis.

Nanalo ang Grizzlies sa Milwaukee 119-106, angat ang Memphis sa No. 9 at natengga sa likod nila ang Suns. Out na rin ang San Antonio, natuldukan sa 22 seasons ang playoff streak ng Spurs.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lillard-portland-haharapin-ang-memphis-sa-play-in/)

Walang komento