Recent Posts

Breaking News

LeBron nagpugay kay ‘Black Panther’

PINARANGALAN ni NBA superstar LeBron James at ilang kilalang personahe ang mahusay at kinikilala ding legend na actor na si Chadwick Boseman na namatay sa colon cancer.

“Rest in Paradise King. #TheHellwith2020 #FCancer,” post ni LeBron sa kanyang account habang dismayado sa nagiging kaganapan sa kasalukuyang taon na lumaganap ang nakamamatay na sakit na coronavirus o COVID-19 at ang hindi inaasahang pagkamatay din sa helicopter crash ni Kobe Bryant.

Si Boseman, ng naging bida sa “Black Panther” at binigyang buhay ang maalamat na baseball player na si Jackie Robinson sa pelikulang “42”, ay pumanag sa edad na 43.

“Gonna miss you mate. Absolutely heartbreaking. One of the kindest most genuine people I’ve met. Sending love and support to all the family xo RIP,” post naman ni @chrishemsworth.

The post LeBron nagpugay kay ‘Black Panther’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lebron-nagpugay-kay-black-panther1/)

Walang komento