Recent Posts

Breaking News

Lagundi trial kontra COVID aprubado na

Lusot na sa Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trial para sa halamang gamot na lagundi bilang supplemental treatment laban sa new coronavirus.

Hinayag ito ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña sa isang briefing nitong Sabado.

Ayon sa kalihim, gagamitin ang naturang herbal medicine sa mga pasyente na may mild symptom ng COVID-19 na naka-admit sa tatlong medical facility.

Susubukan sa mga pasyente ng Quezon Institute quarantine center, Sta. Ana Hospital at quarantine center ng PNP-National Capital Region ang lagunid.

Saad ni Dela Peña, titingnan sa naturang trial kung makakabawas ba ng sintomas ng COVID-19 tulad ng ubo, pananakit ng lalamunan at lagnat ang naturang halamang gamot.

Papangunahan ng mga eksperto mula Philippine General Hospital ang naturang clinical trial.

The post Lagundi trial kontra COVID aprubado na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lagundi-trial-kontra-covid-aprubado-na/)

Walang komento