Recent Posts

Breaking News

Lacson: VP Leni dapat handa ‘pag may masamang nangyari sa presidente

Sa gitna ng haka-haka tungkol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat laging handa si Vice President Leni Robredo na pumalit sa puwesto sakaling may masamang mangyari sa Punong Ehekutibo, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Lacson, hindi mawawala ang mga espekulasyon sa kalusugan ng Chief Executive dahil ito ang pinuno ng bansa.

“Speculations will never stop as far as the President or any President for that matter. Ang health issue ng isang Pangulo whoever he is is the concern of the entire Filipino nation,” sabi ni Lacson sa online interview ng mga reporter.

“Siya ang President eh. Kaya ‘di maaalis ang speculation, pag-alala o sabihin na natin ang mga kontra baka nananalangin pa. So hindi maaalis yan. After all Presidente siya ng Pilipinas so maski sabihing hindi serious, di pa rin matitigil,” sambit pa nito.

Kaya dapat lagi umanong ang Bise President sa oras na may masamang nangyari sa pangulo ng bansa.

“As long as hindi siya incapacitated under our Constitution. Yan lang naman ang pupwedeng magpaalis sa Pangulo as far as health is concerned, yung di na siya maka-perform ng kanyang duty kasi incapacitated siya,” ani Lacson.

Naalala pa nito noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos kung saan sumailalim ito ng carotid operation.

“I remember during the time of PFVR when he underwent carotid operation, VP Estrada I was with him was summoned by the National Security Adviser at the time while undergoing carotid surgery (si FVR),” ani Lacson.

“Kailangan naka-ready ang VP to take over just in case something bad happens. So yan ang alam kong situation. Kaya nga dapat ang health ng Pangulo laging binabantayan ng mga tao yan,” dagdag pa nito.

Maari lan naman aniyang isuko ni Duterte ang kanyang posisyon kung wala na itong kakayahang mag-perform kanyang trabaho pinuno ng bansa.

“‘Yan lang naman ang pupwedeng magpaalis sa Pangulo as far as health is concerned, ‘yung di na siya maka-perform ng kaniyang duty kasi incapacitated siya,” ayon pa kay Lacson.

The post Lacson: VP Leni dapat handa 'pag may masamang nangyari sa presidente first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-vp-leni-dapat-handa-pag-may-masamang-nangyari-sa-presidente/)

Walang komento