Recent Posts

Breaking News

Lacson: Tulo sa kisame ng Philhealth office `di natural

Nagpahayag ng pagdududa si Senador Panfilo `Ping’ Lacson hinggil sa ulat na nagkaroon ng leak o tulo sa kisame ng tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Pangasinan.

Sa panayam kay Lacson ng himpilang DWIZ nitong Sabado ng tanghali, sinabi ng senador na mayroon umanong mga indikasyon na hindi natural ang nangyaring leak sa regional office ng PhilHealth.

“Kasi ang report habang nagsasaliksik sila ng mga dokumento ay saka nagtuluan,” sabi ni Lacson.

Ipinagtataka pa umano ni Lacson kung bakit mangyayari ito na mayroon kaagad leak sa naturang tanggapan samantalang kalilipat pa lamang aniya ng regional office sa naturang lugar noong Disyembre 2019.

“Kung nakita niyo `yong video bago `yong ceiling tapos biglang nagtuluan,” dagdag pa ng senador.

The post Lacson: Tulo sa kisame ng Philhealth office `di natural first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-tulo-sa-kisame-ng-philhealth-office-di-natural/)

Walang komento