Recent Posts

Breaking News

Lacson: Pag-absent ng 2 PhilHealth exec, ‘di kawalan ng Senado

Hindi apektado si Senador Panfilo Lacson sa hindi pagdalo ng dalawang opisyal ng PhilHealth sa susunod na Senate hearing kung saan iniimbestigahan ang korapsyon sa state health insurer.

Ayon kay Lacson, ang mga opisyal pa umano ang talo dahil hindi nila madedepensahan ang kanilang sarili sa mga bagong pruweba tungkol sa katiwalian sa PhilHealth.

“Their failure to attend Tuesday’s hearing is their loss, not the Senate’s, simply because they won’t be there to respond to new issues to be brought up by resource persons and some new incriminating documents in our possession,” saad ng mambabatas.

Dalawang PhilHealth executive ang hindi makakasipot sa Senate probe, isa na dito si PhilHealth president Ricardo Morales dahil kailangang sumalang sa chemotherapy matapos ma-diagnose ng lymphoma.

“In all sincerity, I join his family in praying for his recovery. It is unfortunate that these new corruption issues have exploded at a time when his health condition is at a low point,” sambit naman ni Lacson.

Isa pa sa hindi rin dadalo sa hearing ay si PhilHealth executive vice president Arnel de Jesus dahil naka-admit ito sa ospital, base sa liham na pinadala nito kay Senate President Tito Sotto.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-pag-absent-ng-2-philhealth-exec-di-kawalan-ng-senado/)

Walang komento