Recent Posts

Breaking News

Lacson gustong mag-jet ski para salpukin ang ‘Manila, Province of China’ company

May minungkahing hakbang si Senador Ping Lacson hinggil sa kompanya na tinawag na “probinsya ng China” ang Lungsod ng Maynila.

Bungguin ito gamit ang jet ski boat, na babiyahe aniya mula Manila Bay hanggang Estero de Binondo.

“Why don’t we gas up our jet ski boats and all together ram that goddamn beauty product company which tagged Manila as a province of China, starting from Manila Bay all the way to Binondo Estero?” tweet ng senador ngayong Biyernes.

“Better if the owners are inside,” aniya pa.

Matatandaang pinangako noong 2016 ni noo’y presidential candidate Rodrigo Duterte na sasakay siya ng jet ski para itanim ang watawat ng Pilipinas sa Spratly Islands at igiit ang soberanya ng bansa laban sa panghihimasok ng China.

Makalipas ang dalawang taon niyang panunungkulan, 2018, sinabi ni Pangulong Duterte na “nonsense” at “just talk” lang ang naturang pahayag niya at “nagulat ako na naniwala kayo”.

Samantala, pinade-deport ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Bureau of Immigration ang dalawang Chinese national na incorporator ng Elegant Fumes Beauty Products, Inc..

Sa EFBPI galing ang cosmetic product na may label na: “Manila Province, P.R. China”

Nauna nang pinasara ng alkalde ang naturang gusali sa Binondo dahil umano sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.

The post Lacson gustong mag-jet ski para salpukin ang 'Manila, Province of China' company first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-gustong-mag-jet-ski-para-salpukin-ang-manila-province-of-china-company/)

Walang komento