Recent Posts

Breaking News

Lacson: Duque walang kaluluwa!

“Soul-searching is only for people who have souls.”

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson bilang patama sa mga umanong tiwaling opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na nagsamantala sa pondo ng ahensiya sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“Corruption in PhilHealth to take advantage of a pandemic is worse than the deadly coronavirus itself because of its evil intent and purpose… Soul searching is only for people who have souls,” pahayag ng senador sa kanyang Twitter post.

Nang tanungin kung sino ang tinutukoy niyo, sinabi nitong ito ay ang mga walang kaluluwang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth.

“Even [Health Secretary Francisco Duque III] who didn’t do anything in his capacity as ex-officio Chairman of PhilHealth. Billion peso question is why?” sabi ni ni Lacson.

Ginawa ng senador ang komento matapos ihayag ni Duque na kanyang susundin ang panawagan ng ilang senador na mag-soul-searching sa gitna ng maraming alegasyon na katiwalian laban sa kanya.

Noong Martes, sinabi ni Duque sa mga senador na magso-soul-searching siya kung hindi pa niya naibibigay ang kanyang ‘best’ para pamunuan ang giyera kontra COVID-19 pandemic.

“I took full responsibility for my decisions and actions. And the effort… I’m trying my best. There was never a time that I never tried my best but if my best is not enough, I just have to do some more reflection and soul-searching,” sabi ni Duque.

The post Lacson: Duque walang kaluluwa! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-duque-walang-kaluluwa/)

Walang komento