Recent Posts

Breaking News

‘Laban ng Lahi Run’ ratsada sa Disyembre

NAUSOG man ang petsa dahil sa pandemya, tuloy ang pagratsada ng ‘Laban ng Lahi Platoon Run’ sa darating na Disyembre sa halip na Setyembre 18.

Ibinahagi ni president at founder ng ‘Laban ng Lahi’ sports events former Captain Joenel Pogoy ng Philippine Air Force na sasabak pa rin ang 33 participants sa torneo na gaganapin sa Bislig, Surigao.

“Na-coordinate na namin na magiging successful ang event bagaman wala pang nakatakdang petsa dahil most likely kung magwo-worsen ang pandemya at wala pang vaccine ay baka i-postpone na namin uli. Pero every year may champion tayo,” hayag ni former Capt. Pogoy sa TOPS Usapang Sports on Air.

Kuwento pa nito, hinihintay rin ng mga ito ang ilalatag na guidelines at health protocols mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at ang pagkasabik ng kanilang mga runner.

“Excited pa lalo ang mga runner dahil saan pa ba sila, eroplano, hotel at pagkain ay libre na pong lahat. Maliban na lang sa mga late participants na sasali ay magiging sarili na nila ang gastos,” saad nito.

Samantala, nag-imbita si Pogoy sa mga malalaking kumpanya na bumuo ng isang team para sa torneo na may P3 million na premyo.

Kabilang sa nangako ng P1-M si Senator Manny Pacquiao, “malaking tulong ito sa corporate company na magparticipate na matulungan ang livelihood project sa lugar. The more project ang darating nationwide. Yan ang dahilan kaya natulungan kami ni Pacquiao.”

Makipag-ugnayan rin sina Pogoy sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at IATF.

“Willing kami na makipag-usap, we want to have a maximum participation, this is all about the Filipino not only marathon. Ayaw natin ng patayan, ayaw ng kaguluhan. In this case, sa ganitong competition sa lahat ng province, nagkakaisa ang Pinoy,” paliwanag ni former Capt. Pogoy.

“Ang security ay pamamahalaan ng Phil Army, coordinate sa AFP, police visibility, security martials along the road of course with the coordination with the host city.”

The post ‘Laban ng Lahi Run’ ratsada sa Disyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/laban-ng-lahi-run-ratsada-sa-disyembre/)

Walang komento