Recent Posts

Breaking News

Killer ng erpat ni Jordan lalaya na

Isa sa dalawang nagsisilbi ng sentensiya sa kulungan sa pagkakapatay sa ama ni Michael Jordan noong 1993 ang nakatakdang palayain mula sa North Carolina prison sa pamamagitan ng parole sa 2023.

Iniulat ng Charlotte News and Observer na si Larry Demery, na nasentensiyahan noong 1996 sa pagkakapatay nito kay James Jordan kasama ang dating classmate na si Daniel Green.

Si Demery ay naaprubahan sa Mutual Agreement Parole Program, isang vocational at scholastic program. Ito ay nakatakdang makalaya sa Agosto 6, 2023.

Ang mga convict na nagsisilbi ng life sentences sa kasong murder ay hindi na pupuwede sa parole sa North Carolina, ayon sa ulat ng News and Observer, maliban lamang kung ang krimen ay naganap bago Oktubre 1, 1994.

Ang ama ni Jordan ay napatay noong Hulyo 23, 1993 matapos lamang nagwagi si MJ ng kanyang ikatlong titulo para sa Chicago Bulls habang natutulog sa kanyang kotse sa kabukiran ng North Carolina.

Ang katawan ng ama ni Jordan ay natagpuan 11 araw sa isang sapa sa South Carolina. (Lito Oredo)



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/killer-ng-erpat-ni-jordan-lalaya-na-2/)

Walang komento