Recent Posts

Breaking News

Kiko: Plano, protocol para sa mga frontliner baguhin

Kinakailangang magkaroon ng malinaw na plano at protocol para sa new normal kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 case sa mga frontliner kabilang ang mga pulis at military, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“Nababahala at nag-aalala kami sa mga balitang parami nang parami sa ating mga kapulisan ang positibo sa COVID-19. Malaking bahagi sila ng pandemic response ng pamahalaan,” ani Pangilinan sa isang statement.

“Pero ano’ng mangyayari sa mga plano kung sunod-sunod silang nagkakasakit habang ginagampanan ang kanilang tungkulin? There has to be a better, clearer, safer way to go about the new normal,” dagdag pa nito.

Nauna rito, napaulat nanahawaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang police chief at buong police force ng Tuguegarao City.

Nagpositibo sa virus si Tuguegarao City police chief Col. Jonalyn Tecbobolan at 13 iba pang police officers. Inilagay na sa lockdown ang buong city police force.

“Mahalaga ang kanilang kalusugan at kaligtasan kung kaya’t kailangan natin ng mas kungkretong paraan kung paano haharapin ang new normal. Dapat better ang new normal,” ayon sa senador.

“Paano natin mababawasan ang banta ng COVID-19 para sa lahat ng ating mga frontliners, kasama na ang mga kapulisan? If this is our new normal, there has to be a better normal.

Paigtingin pa lalo ang contact tracing lalo na sa lokal. The government was given the resources to do exactly that, and we expect them to follow through,” dagdag pa nito.

Sa kabuhaan, ang Philippine National Police ay nakapagtala na ng 3,669 kaso ng COVID-19.

The post Kiko: Plano, protocol para sa mga frontliner baguhin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kiko-plano-protocol-para-sa-mga-frontliner-baguhin/)

Walang komento