Recent Posts

Breaking News

Karl Chua bilang PhilHealth chief? Palasyo tikom

Hindi nagbigay ng opinyon ang Malacañang hinggil sa mungkahi na ilagay si Socioeconomic Secretary Karl Chua sa PhilHealth.

Ito’y matapos na imungkahi ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri na bagay aniya si Chua bilang leader ng state insurance agency.

Sambit ni presidential spokesperson Harry Roque tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makakasagot sa kanyang mga nais i-appoint sa pwesto.

“Alam ninyo, pagdating po sa appointment, talagang tanging Presidente lang po ang makakasagot niyan,” wika ni Roque.

“Maski ako po’y tagapagsalita, wala po akong kapangyarihang sumagot diyan dahil appointment is exclusively the prerogative of the President,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay naka-leave si PhilHealth president Ricardo Morales sa ahensya dahil sa sakit na lymphoma.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/karl-chua-bilang-philhealth-chief-palasyo-tikom/)

Walang komento