Recent Posts

Breaking News

Karagdagang ruta pa ng mga jeep bubuksan

Magbubukas pa ng karagdagang ruta para sa mga pampasaherong jeep, batay sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes, Agosto 24.

Ayon sa DOTr, ang mga sumusunod na ruta ay bubuksan batay sa Memorandum Circular 2020-040 na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA
T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional
T134 Bagbaguin – Malinta
T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP
T369 Libertad – PRC
T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires
T371 Blumentritt – Divisoria
T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit
T375 Blumentritt – Retiro
T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang
T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal
T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini
T380 Dapitan – Pier South
T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto
T382 Divisoria – Libertad via Mabini
T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge
T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.
T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz
T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease katulad ng pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga pampublikong sasakyan, pagsusuot ng face mask at face shield.

Nauna nang inihayag ng isang opisyal ng DOTr na puwedeng tanggihan ng mga driver ang isang pasaherong hindi sumusunod sa mga health at safety protocol para sa mga pampublikong sasakyan.

The post Karagdagang ruta pa ng mga jeep bubuksan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/karagdagang-ruta-pa-ng-mga-jeep-bubuksan/)

Walang komento