Recent Posts

Breaking News

Kapitan, treasurer nagse-sex habang may online meeting

Nalantad ang pangangaliwa ng dalawang barangay official sa Dasmariñas, Cavite.

Napanood sa Zoom (teleconference) meeting ang pagse-sex ng barangay captain ng Barangay Fatima Dos at treasurer nito. May asawa ang dalawang opisyal.

Dapat sanang pag-uusapan sa meeting ng barangay officials ang mga plano para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa barangay.

Sa pinadalang video ng mga residente sa Tutok Tulfo radio program, makikitang sinubukan pang takpan ng kapitan ang camera ng kanyang computer. Hindi niya alam na may nakatutok pang ibang camera sa kanila.

Ayon kay Association of Barangay Captains Dasmariñas president Jorge Magno, nagbitiw na sa puwesto ang kapitan at treasurer ng naturang barangay “para sa ikatatahimik ng lahat.”

The post Kapitan, treasurer nagse-sex habang may online meeting first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapitan-treasurer-nagse-sex-habang-may-online-meeting/)

Walang komento