Recent Posts

Breaking News

Kapatid ni Trump pumanaw na

Namatay na ang nakababatang kapatid ni American President Donald Trump na si Robert Trump.

Ito ay edad 71.

“It is with heavy heart I share that my wonderful brother, Robert, peacefully passed away tonight,” sabi ng US President.

“He was not just my brother, he was my best friend. He will be greatly missed, but we will meet again. His memory will live on in my heart forever. Robert, I love you. Rest in peace,” aniya pa.

Sa isang last minute decision, binisita ni Donald si Robert sa ospital sa New York City noong Biyernes.

“He’s having a tough time,” ayon sa pangulo, na hindi sinabi kung gaano katagal naospital ang kapatid, o kung ano ang sakit na iniinda nito.

Naunang maospital nang isang linggo ang batang Trump noong Hunyo, sa Mount Sinai Hospital sa New York.

Nagtrabaho si Robert, isa sa apat na kapatid ni Donald, bilang real estate developer at executive vice president ng Trump Organization.

Kabilang sa kanyang trabaho ay pangangasiwa ng mga casino ng nasabing organisasyon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kapatid-ni-trump-pumanaw-na/)

Walang komento